Videoke Guide for the Holidays

Inside Manila
PUBLISHED October 10, 2017 11:31 am | UPDATED October 10, 2017 01:01 pm
Photo by http://hiveminer.com

(Inside Manila) With the holiday season fast approaching, the neighborhood will once again be filled with music. Videoke-singing that is. Here are some funny guidelines for your merry-making, videoke style.


1.)Tandaan: laging puwedeng pumili ng mas mababang kanta. Kung di abot ang Aegis, may Pops Fernandez naman. Okay din naman yun. Don’t forget your leather jacket para complete ang look.


2.) Kung talagang paborito mo ang piyesang 'yan, maghintay ng at least isang oras bago kantahin ito ulit. Huwag ‘yung kunwari pang may pinasingit kang Carol Banawa pero balik ka ulit sa Two Less Lonely People In The World right after.


3.) Iharap ang speakers ng videoke paloob ng bahay, huwag palabas. Kung ‘di matagalan ng mga kasama mo ang boses mo, lalo na siguro ng mga kapitbahay mo.


4.) Yung 12 midnight na cut-off for videoke, dapat gawing 11pm. Dahil Pinoy, may last 3 songs pa yan. Habang nagliligpit ng tables and chairs, may last man standing pa diyan na kakanta ng My Love Will See You Through. Habang hindi naliligpit yung mga basyo ng beer, nawawalis yung mga tansan, at naibabalot yung mga pa-take home, laging may aagaw at aagaw ng mic for their last song. Before you know it, alas dos na nang madaling araw.


5.) “Pasko naman”, “Nagkakatuwaan lang”, “Minsan-minsan lang naman ‘to.” Yes. Mismo. Kaya huwag mag-key in ng kanta—sampu agad, tuloy-tuloy—na para bang album launch mo today. Kung nagkataong arranged by singer pa yung songbook, umasa ka, The Best of Celine Dion yan for the next sixty minutes.


6.) Don’t think na dahil feel na feel mo ang tunog ng boses mo sa mic, o dahil siguro six hours ka nang kumakanta at immune ka na, eh pwede ka nang mag-converse using the microphone. Case in point: “Coz I’m your laydeeeeehhhhh 🎶 ‘NAY NANDITO NA SILA TITA AMY INIT MO NA YUNG MENUDO! 🎶 whenever you reach for me, I’ll do all that I caaaaan...“


7.) Iwasang ilabas ang repressions sa lyrics ng kanta. Huwag gawing excuse yung actual na lyrics ng kanta para sabay-sabay kayong magmura sa mic ng “Di ba, T*** **A, nagmukha akong tanga 🎶” (Pare Ko) or “All those fairy tales are full of SH**, One more F*****G love song I’ll be sick 🎶” (Payphone). Napaghahalata kayo.


8.) Huwag kalimutang magsaya. Yun naman ang point, diba? Get-together, merrymaking, etc. Hindi singing contest. So easy lang sa pagpili ng kanta. Gusto mo ba talagang kantahin yang, “Magsimula Ka”? “Kastilyong Buhangin”... talaga? Family reunion ba ito o The Voice?


9.) Iwasang magsagutan ng kanta. Narinig mo lang  ‘yung, “Brown Eyes” nung kapitbahay, eto ka naman, three houses away at may sariling pa-videoke, tira din ng “Brown Eyes”. Naalala mo kasi yung kanta? Favorite mo dati? Paano na lang kaming mga kapitbahay mo? (Damay din dito yung songs of the same artist. May magsimula lang ng April Boy, hala, buong street na yan sagutan April Boy hits for the next half hour.)


10.) Lastly, alamin ang limitasyon. Hindi lang sa ganda ng boses o sa galing ng pagkanta. Sa bilis din ng pagbasa (iwasan ang “We Didn’t Start The Fire”), sa dami ng boses ka kayang pagsabay-sabayin (guys, hindi lang isang tao ang kumanta ng ‘Bohemian Rhapsody”), o sa limitasyon ng piyesa (wala talagang male version ang “Dadalhin”, give it up already).


Maligayang Pasko!


 




Contributed by Krischelo Delgado. He is an advertising practitioner by profession, a foodie at heart, and a certified DEDMAtologist by nature.

RELATED ARTICLE

MUSIC

WATCH: American trio includes Inigo Pascual's 'Dahil Sa 'Yo" in song mash-up

(Inside Manila) Singer-actor Inigo Pascual was more than elated to learn that American trio “Airspoken” made a cover of his hit song "Dahil Sa 'Yo".