Vox Pop

The Pros and Cons

of Online Classes According

to Students’ POV

by Anne Marielle Eugenio, May 12, 2020 5:13pm

Art by Dani Elevazo

Vox Pop

The Pros and Cons of Online Classes According to Students’ POV

by Anne Marielle Eugenio, May 12, 2020 5:13pm
Art by Dani Elevazo
 

The postponement of all academic activities for the remainder of the 2020 school year left several students took a twist in every Metro Manila student's favorite banter "Ma'y Pasok ba?". And with the announcement of DepEd for classes to resume this August, the Academe has to adapt to the #NewNormal , that is intgerating online classes in their curriculums.

To catch up with the remaining classes, professors and teachers resorted to teaching online, which is quite an unconventional setting.
Students have sentiments about their experiences and discourses online.

And so asked them:
What Are The Pros and Cons of Taking Classes Online?

"Mahirap ‘pag online class. Kasi ‘di lahat mayroong internet. Hindi rin lahat kayang mag-provide ng load para makita ‘yung mga activities na ise-send. Puyat din ‘yung kalaban kasi hindi naman naituro sa amin ‘yung mgasine-send. Kumbaga, self-study talaga. 

Pero good thing din naman, kasi natuto ako personally na mag-tiyaga. At maging yung pakikipag communicate nang maayos sa bawat kaklase ko ay nagagawa ko. Isa rin sa magandang nakita ko, nauunawaan ko yung hirap nung mga teacher kung paano nila hina-handle ‘yung bawat isa sa amin, para lang matuto kami."

- Mayline, College student

Struggle sa demo. May isa kaming professor na gusto niya sa Zoom kami mag-live demo. Medyo nakakainis lang kase sinabi niya ‘yon sa amin without asking if kaya ba ng Internet namin. Baka introduction pa lang nasasabi namin ubos na data agad. ‘Di naman kasi lahat may good access sa Internet at hindi lahat may maayos na gadgets para doon.

May pros naman kasi kahit paano nale-lessen ‘yung pagka-bored namin sa bahay and siyempre, hindi kami na-stop nang matagal na walang ginagawa. Kung may online class, maaring ‘di na kailangan mag-extend ng class para sa sem na ‘to if ever na magre-resume na ulit.

- Nerisse, College student

Sobrang hassle. Wala akong nakikita na pros bukod doon sa fact na safe kami from COVID. The rest puro cons na, like wala naman kami actually natututunan. And for someone like me na hindi naman magaling sa self-study and mas nagre-rely pa rin on lectures, sobrang hirap mag-adjust. Madali lang pumasa since open notes, open Internet pero ‘yung learning talaga, almost none. ‘Di ko sure kung effective sa iba‘tong online classes pero for me hindi talaga.

- Adrian, Med School Student

My four subjects are using Zoom for our online classes. We also use Facebook groups for online discussion. Ang pros ng online classes, at least may usad na kami kasi kala ko hihinto talaga buhay nating lahat due to this crisis. This is my main concern and at least may concrete basis ang prof and school on how they will teach us.

Ang cons, unstable internet. Hindi lahat may maayos na gadget. Isa pa rito nade-defeat ‘yung purpose ng recitation, kasi sa law school importante ‘to. Iba ‘yung harap-harapan ka sasagot at magre-recite ng provisions at jurisprudence you have read—one way of training you on how you will answer and defend your client in court and in front of the judge.

- Bianca, Law School Student

Hindi naman kami ni-require mag-online classes dahil patapos na rin ‘yung school year nung nagkaroon ng quarantine. Pero sa nakikita ko, maraming cons ‘yung online classes dahil hindi lahat ng estudyante may maayos na Internet at gadgets.

May advantage naman ang online classes. Maganda kasi kahit papaano, ‘di mababakante yung kaalaman ng estudyante.‘Yung disadvantage, ‘di natin alam kung sisipagin ba ang estudyante kasi baka para sa iba, parang wala lang. Laro lang.

- Rownald, HUMSS Student

For pros, nababawasan ng online classes ‘yung mass gatherings. It’s a small way of helping to flatten the curve. Ang cons, hindi ko nafe-feel ‘yung pagkatuto kasi puro PowerPoint lang ‘yung binibigay and puro quizzes and tasks lang. Walang mga video lectures. Isa rin ‘yung  kakulangan sa gadgets and stable internet connection kasi ‘di naman lahat meron. 

Mas mahirap ang setup ng online classes based on my experience kasi puro pasagot and PowerPoint lang. More on self-study. Iba pa rin ang classroom setup kasi mas matututo kami and nare-raise namin ang mga questions about certain topics ‘pag nahihirapan kami.

- Allessandrae, Junior High School Student

Nakakatulong ang online class kasi may online support group ka na nangangamusta lalo na regarding physical at mental health. Bukod doon, kahit papaano tuloy pa din ang pagkatuto. Ang cons, kahit maluwag ‘yung, online class namin, minsan ‘di ka pa rin makapag-concentrate dahil sa bigat ng nangyayari ngayon sa mundo dulot ng pandemya

Ang maganda siguro sa amin, hindi pinipilit na kailangan maka-attend ka. Walang strict attendance. Nire-record ‘yung online class sa Zoom para pwedeng balikan nung mga ‘di naka-attend. Lagi din humihingi ng suggestions ‘yung prof namin kaya collective decision pagdating sa mga learning activities.

- Veronica, Master in Community Development Student

As COVID continues to be a threat to our health and economy, it also targets the learning system in our country. It is during these times we have to be more considerate about our students because let’s face it: we don’t have equal opportunities and resources. May this be an eye-opener for one of us not to take our privileges for granted.


Interviews have edited for clarity and brevity

 

Is `The Pros and Cons of Online Classes According to Students’ POV´ helpful?  Y  N

Comments