Vox Pop

What's it Like to

be a New Mom

During the Pandemic?

by Sherry Tadeja, May 01, 2020 9:45am

Art by Ahl Mirambel

Vox Pop

What's it Like to be a New Mom During the Pandemic?

by Sherry Tadeja, May 01, 2020 9:45am
Art by Ahl Mirambel
 

As the confirmed cases of the coronavirus (COVID-19) continue to be alarming, one of the things we fear most is the safety of our families. The elderly and children are vulnerable to the disease, not to mention the mothers who have recently given birth and their newborn child. To let us in on their thoughts, here’s what seven moms worry the most during this time:

“One month na ang baby ko today. Pero ‘yung takot ko para sa kanya ay mas dumoble pa ngayon. ‘Di nakaka-help ‘yung mga [balitang may] baby na nahahawa sa sakit. 

Paano ba ako sasaya na nandito na siya sa mundo kung may pandemic naman? Paano ko ipapaliwanag sa kanya bakit ‘di kami pwede lumabas? Bakit ‘di kami pwede pumunta sa Lolo at Lola niya… Ipinagdadasal ko na lang na hindi ganito yung sitwasyon ‘pag naging aware na siya sa paligid niya.”

- Rica, Stay-at-Home Mom

Ang hirap magpalaki ng bata ngayong naka-lockdown lahat. Pinaka inaalala ko eh ‘yung diapers niya. Pasalamat na lang ako kasi maliit pa siya kaya may ibang brand pa kami na pwedeng bilhin. ‘Di naman tumitigil lumaki ang baby dahil sa COVID.”

- Cristine, Office Assistant

“First time mom ako. Ay naku, kung pwede lang pagkatapos ng COVID ko iniri ‘yung anak ko, ginawa ko na. Ang paranoid naming mag-asawa. Buti na lang nandiyan ‘yung parents ko, nanay ko lalo, to assist us. Sobrang ingat kami sa kanya, hindi muna pwede hawakan ‘pag galing ka sa labas. Mag-alcohol o minsan maligo muna, ganoon. 

Siguro tulad ng ibang mamas, ‘di din nila akalain na mage-exist nang sabay ‘yung saya at takot para sa anak nila.”

- Carol Trogo, Stay-at-Home Mom

Yung gatas ng baby ko ako nag-aalala. Hindi ako makapag-breastfeed kaya sa formula kami umaasa. Kaso ang hirap bumili lalo na sa amin. May araw na pwedeng lumabas at hindi lumabas. ‘Yung mga araw na pwede lumabas ang dami namang tao. Kaya sana ‘yung binibigay na relief ng gobyerno may kasamang gatas para sa mga may sanggol."

- Jean, Teacher

"Katulad ng ibang nanay, inaalala ko ‘yung basic needs niya. Kaso ang hirap lumabas ngayon, fragile ang mga bata eh, madaling madapuan ng sakit. Buti nalang may mga kasama ako sa bahay. Sila yung bumibili para sa baby namin."

- Genelyn, Online Seller

"Syempre unang-una mo talagang worry is ‘yung mahawahan ka kasi paano baby mo lalo't breast-feeding mom ka. Though some of the doctors require na i-breast feed pa rin si baby kahit positive ka, nakakatakot pa rin na mahawa siya. Paano kung ‘di nya kayanin? ‘Pag nanay ka na, hindi ka na nabubuhay para sa sarili mo kung ‘di para sa anak mo na rin. So, nandoon talaga yung fear, sobra.

Matatapos pa ba ito [pandemic] kasi andaming pasaway at matitigas ang ulo. Kasi paano na ang baby mo, paano ang future niya? ‘Yung smile lang sya nang smile, ni hindi niya alam na may pandemic na kinakaharap ngayon na pwedeng makaapekto sa future niya.

Pero honestly, thank God hindi ako ganoon ka praning at tinatamaan ng stress. Instead, ‘yung positive effect na lang tinitingnan ko. Like we can spend more time together imbis na need na bumalik ng work. Mas makakapag-hands on ako sa pag-aalaga sa kanya."

- Roj, Sales Consultant

"Yung panganganak, mahirap na experience ‘yun. Pero ‘yung manganak ka during pandemic, ibang klase talaga iyon. Kapag nanganak ka on a normal situation, napapalitan ng saya iyon after giving birth. Pero kapag may pandemic, mas gugustuhin mong umuwi agad ng bahaydahil naiisip mong lahat ng tao sa paligid mo ay carrier ng virus.”

- Laura, Stay-at-Home Mom

Like mothers and everyone else, we can only hope things will get better soon, especially for the young ones who are likely to grow in a country going through a “new normal”. Let’s hope we can still introduce to them the good kind “normal” we all knew.


Interviews have been edited for clarity and brevity.

 

Is `What's it Like to be a New Mom During the Pandemic?´ helpful?  Y  N

Comments